Thursday, August 26, 2010

Pinoy Ako!

Dahil ngayon ay buwan ng Agosto, tayong mga pinoy ay nagdiriwang ng "Buwan ng Wika". Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ating wika, ang pahinang ito ay naglalaman ng mga salitang purong Filipino. Inihahandog ko ito sa mga Pilipinong naging inspirasyon ko at aking iniidolo sa kasalukuyan. Sila ay mga pinoy na nagpabahagi ng kanilang mga talento at galing sa iba't ibang larangan.

Bianca Monica Malasmas Gonzalez
Siya ay ipinanganak noong March 11, 1983. Nagtapos ng high school sa De La Salle Santiago Zobel School at nagtapos ng kursong AB Communication Arts with minor in Philosophy sa Ateneo de Manila University. Siya ay isang manunulat, host, at UNICEF Philippines Child Rights Supporter sa kasalukuyan.
http://superbianca.blogspot.com/

Rommel Adducul (" The General")
Ipinanganak noong April 21, 1976 sa Tuguegarao, Cagayan, Philippines. Si Rommel ay isang manlalaro sa PBA( Philippine Basketball Association) sa kupunang Derby Ace Llamados sa kasalukuyan. Nagtapos siya sa San Sebastian College at naging three-time Most Valuable Player para sa kupunang San Sebastian Stags sa NCAA noong 1993 hanggang 1997. Siya ay nagkaroon ng nasopharynx cancer kaya hindi siya nakapaglaro para sa 2008 PBA Fiesta Conference upang magpagamot. Siya ay gumaling at ngayon ay balik na sa paglalaro.

Alfonso Tomas "
Atom" Pagaduan Araullo
Ipinanganak noong October 19, 1982 sa Quezon City si Atom. Nagmula si Atom sa isang aktibistang pamilya. Ginugol niya ang kanyang kabataan sa pagsama sa kanyang mga magulang sa pakikipaglaban sa diktadoryang Marcos. Ito ang nagmulat sa kanya sa kalagayang politikal ng bansa. Noong siya ay nasa elementarya, ipinasok siya ng kanyang mga magulang sa larangan ng palakasan at teatro. Bilang resulta, gumanap siya sa ibat-ibang mga dula at sumali sa mga kumpetisyon bilang isang "triathlete."
Nagtapos si Atom ng elementarya sa Ateneo de Manila at sa Philippine Science High School ng sekondarya. Nagtapos siya ng Bachelor of Science degree in Applied Physics sa University of the Philippines (Diliman Campus). Doon naging isang magaling at aktibong estudyante si Atom. Sa kasalukuyan, si Atom ay isa nang reporter at host sa ABS-CBN.

Sheena Marie "Ma" SeƱara

Sheena, Sheena, Sheena..Ma, Ma, Ma...Siya ay ipinanganak noong February 5, 1988. Kaklase ko siya noong kolehiyo. Tahimik at "demure" si Sheena pero malambing at mapagmahal. Miyembro siya ng " Snow White and the Seven Dwarves" sa klase namin. Isa siya sa pitong "dwarves"..ahahahaha.. Naging inspirasyon ko siya dahil sa kanyang pagiging positibo. Kapag kausap ko siya, laging may papuri akong natatanggap.(gusto ko yun!)..hehehe..Para sa kanya, walang pangit at palagi akong "maganda" at "sexy"..ahahaha..thanks Ma.